Tuesday, January 5, 2010

suring aklat II: paglalagom ng nobela...

Kabanata 1:
Paninindigan

Hapon na ng umuwi si Amelita, galing sa kanyang trabaho bilang guro, at gaya nang pang-araw araw na sitwasyon, ang kanyang hapis na mukha ay pinalamlam ng pagod.
Ngunit sa kabila nito, mababatid parin ang kaligayahang nadarama niya sa pagtuturo.

Ng makarating ito sa kanilang tahanan, hindi manlamang siya kinikibo ni aling rosa, ang kanyang inang pinanghihinayangan siya dahil napunta lamang ito sa kapalaran ng pagiging guro.
At tila ba’y nahahyag na ang kanilang tahimik na alitan.



Kabanata 2:
Hilig

Ng dumating si Mang Ambo sa kanilang tahanan. Doon lamang sinabi ni Aling Rosa kay Amelita,
Na pupunta si Osmundo sa kanila upang suyuin ang dalaga, na siya namang ayaw na ayaw ni Amelita ngunit kompromiso ng kanyang ina.
Kaya sila ay nagkaroon ng pagtatalo at doon na nga naungkat ang lihim ni Amelita, na nag-iibigan na silang dalawa ni Mauro na isa ring guro. Lubos itong ikinasama ng loob ni Aling rosa, kaya minabuti ni Mang Ambo na papasukin muna si Amelita sa kanyang silid, nang sa gano’y humupa ang galit ni Aling Rosa.





Kabanata 3:
Pasiya

Ng dumalaw si Osmundo sa kanilang bahay, halos kasing lamig ng yelo ang pagtanggap ng dalaga sa mayamang binata, na siya namang ikinagalit ni Aling Rosa.

At unwari ay parang masama ang kanyang pakiramdam, para makaalis na si Osmundo. Sa galit ni Aling Rosa, Nagpasya itong ipakakasal si Amelita kay Osmundo, na siya namang mahigpit natinututulan ng dalaga.
Kinabukasan, nalaman na ni Mauro ang masamang balitang iyon, ng sila’y lihim na nagtagpo sa paaralan



Kabanata 4:
Sangandaan

Patuloy paring gumugulo sa isip ni Mauro ang balitang iyon ni Amelita, kaya minabuti ni Aling Idad na kausapin at payuhan siya,
Ngunit maski ito’y hindi nakatulong sa kanyang anak,
Ng kinagabihan, hindi parin dinadalaw ng antok si Mauro, ng biglang nakita niya si Amelita sa harapan ng kanilang bahay,
Kaya’t minabuti niyang ihatid ang dalaga sa kanilang bahay, at para narin pormal na hingiin ang kamay ng dalaga, para sila’y magpakasal, balot man ng pangamba ang dalawa, ay handa parin silang harapin si Aling Rosa.


Kabanata 5:
Ganti

Halos tunawin ng pangamba ang katawan ng dalaga, hindi niya iniisip kung ano ang maaring sabihin ng ina niya sa kanya, kundi kung ano ang maaring sabihin ng kanyang ina kay Mauro.
Sa kanilang pagharap kay Aling Rosa, gaya ng inaasahan. Puro masasakit na salita ang kanilang natanggap kay Aling Rosa.
At lalo na kay Mauro, ngunit alang alang kay Amelita ay sinalo lahat ito binata, at siya’y nagtimpi nalamang. Ng nakauwi na si Mauro, inutusan ni Aling Rosa si Mang Ambo, na itakda na ang kasal ni Amelita kay Osmundo.


Kabanata 6:
Pagpapaubaya

Kinabukasan ay di nakita ni Mauro si Amelita sa paaralan,
Nag alala siya sa dalaga, kay minabuti niyang puntahan ito sa kanilang bahay, ngunit sinalubong lamang ito ni Aling Rosa at ibinalita sa kanya na ipakakasal na niya si Amelita kay Osmundo.

At panayuhan pa siya ni Mang Ambo na kalimutan nalang ang dalaga,

Ngunit hindi ito magagawa ni Mauro.
Kaya umuwi siya sa kanyang bahay, dala ang hinanakit ng puso.


Kabanata 7:
Lalang

Samantala ng pinuntahan ni Aling Rosa si Amelita sa kanyang silid nadatnan niya ito na umiiyak,

At doon na nga nalamaman ni Aling Rosa na dinadala ni Amelita ang anak nila ni Mauro.
Halos mawarak angmundo ni aling Rosa at Mang Ambo. Sa mapait na balitang ito, dahil ito na ang magiging dahilan upang di matuloy ang kasal ni Amelita kay Osmundo.
Kaya’t kinausap ni Aling Rosa si Osmundo, hindi naman naniniwala si Osmundo sa balita, aniya palusot lang daw ito ng dalaga, para hindi matuloy ang kasal.


Kabanata 8:
Anak

Nabuhayan man ng loob si Aling Rosa sa sinabi ni Osmundo, desidido parin si Mang Ambo na matuloy ang kasal ng anak kay Mauro. At sa pag kakataong iyon si Mang Ambo ang nasunod.
Sa sama ng loob nagtungo si Aling Rosa sa Manila, sa mansyon ng kanyang anak na si doktora Felisa,
Doon nakita niya ang karanyaan ng paligid, ngunit sa kabila nito, dahil nga mayaman, wala na palang oras ang anak sa kanyang pamilya at sa kangyang sarili, ngunit ikinubli nalang nito ang nasa isip at sinabi sa kanyang sarili na ganoon talaga ang may sinabi sa buhay.



Kabanata 9:
Bagong Buhay

Samantala, ginanap na ang kasalan nila Mauro at Amelita. Ito’y simpleng kasalan lamang kung ikukumpara sa magarbong kasalan ng mga kapatid ni Amelita, palibhasa kasi’y ikinakahiya ni Aling Rosa ang kanyang larangan sa pangiging guro kay wala ito sa kanilang kasal,
Sa unang araw naman nilang mag-asawa ni Mauro ay naging masaya naman sila kahit sila’y salat sa kayamanan, nakatira sila kasama ang mga kapatid ni Mauro na sila Peping at Dado na kanila paring pinag-aaral at kasama rin nila si Aling Idad.




Kabanata 10:
Banta ng Panganib

Ngunit isang araw nakatanggap sila ng liham paanyaya kay Mister Batac na siyang punong guro sa kanilang pinagtatrabahuang paaralan, at kamag anak din ni Osmundo na siya namang pinagmulan ng pag-aalala ni Amelita, Ngunit di nagpatinag sa kuro-kuro ng asawa , kaya pumunta si Mauro sa tanggapan ng punong guro, At doon na nga inalok siya nito na magtrabaho sa pribadong paaralan na itatayo ni Mister Batac sa Manila, dahil aalis na ito sa kanyang serbisyo bilang punong guro, ngunit di pumayag dito si Mauro at magalang na umalis.



Kabanata 11:
Isang Ina, Isang Ama

Ng dumating si Amelita sa bahay nila natanaw niya si Osmundo, nag itanong niya rito kung ano ang pakay nito, sinabi ng binata na wala at bumibisita lamang siya, ngunit ng pag-alis ng binata sinabi niya kay Amelita na hindi na uuwi sa kanilang bahay si Mauro, at sa sobrang pag-aalala ni Amelita para sa asawa bigla nalamang sumakit ang tiyan nito at siya’y manganganak na, Nalaman ni Mang Ambo ang balitang ito sa pamamagitan ni Peping , kaya dalidali niyang pinuntahan ang anak, si Aling Rosa naman ay nagmamatigas parin.




Kabanata 12
Talaga ng Diyos

Ng lumabas ang sanggol, nagtaka sila kung bakit wala manlang itong pag-iyak at iba rin ang kulay nito,
Sabi naman ng komadrona, ito raw ay dahil kulang sa buwan ang sanggol kaya nagpasya silang dalhin ang sanggol sa opital.
Samantala alam ni Osmundo na hanggang ngayon ay nasa daan pa si Mauro at nag hihintay ng masasakyan, kaya inutusan niya si Enteng na patayin si Mauro, Ngunit dahil nga sa kabaitan ni Mauro ay hindi ito nagawa ni Emteng at nagtago nalamang siya kay Osmundo at ipinaubaya ang pag-aaral ng anak sa mabait na guro.


Kabanata 13:
Nahawing Ulap

Sa wakas ay nakarating din si Mauro sa kanila, niyakap siya ng kanyang ina at nagkwento ukol sa nangyari. Ang sanggol ay nasa kay Mang Ambo kasama ng komadrona, papuntang ospital, kaya minabuti ni Mauro na kamustahin ang kanyang asawa, at doon na nga nila pinag usapan ang pangalan ng kanilang unang anak na babae.
Samantala, ng dumating si mang ambo ay nagsabi siya ng kasinungalingan ukol sa tunay na kalagayan ng kanyang apo, ayaw niyang mag-alala pa sila, kaya sinabi niyang maayos na ang kalagayang ng sanggol.




Kabanat 14:
Pakitang-Tao

Kinabukasan dumalaw naman si Aling Rosa kay Amelita nag dala siya ng mamahaling damit at prutas na galing pa sa kanyang mga kapatid ni Amelita ,yun ay upang, ipamukha kay Amelita kung gaano kalayo ang lebel ng kanilang pamumuhay sa pamumuhay ng kaniyang mga kapatid. Sa ospital naman laking pasalamat nila Mang Ambo na talagang maayos na talaga ang sanggol, at nang ito’y kanila nang maiuwi sa tahanan,
Si Mang Ambo na mismo ang nag presenta na siya na ang magbabayad sa ospital.




Kabanata 15:
Transisyon

Lumipas ang panahon, ay lumaki na si lida, na siyang bunga ng pagmamahalan nila Mauro at Amelita, at nang dumalaw sila Kayla Aling Rosa nadatnan nila ang pinsan niyang si Lety,

Nilait lait siya nito, dahil sa kanyang kasuotan, halos matunaw nga sa hiya si Amelita ng mga oras na iyon kaya umalis nalang sila,

At dahil sa pangyayaring iyon ay nagtalo sila Mang Ambo at Aling Rosa, ngayon lamang sila nagtalo,
Dahil sa di pantay na pagtrato ni Aling Rosa sa kanyang mga apo.





Kabanata 16:
Ang Pagbabalik

Kahit na ang pamilya nila Lida ay mahirap lamang pinilit paring ipinaintindi ni Amelita rito na di mahalaga ang pera at ang mahalaga ay nagmamahalan sila at buo ang kanilang pamilya.

Lumipas ang mga araw, dumating na si Osmundo galing sa Amerika,
At pumunta siya kayla Aling Rosa,
Upang ibigay ang ipinadalang mga gamit at liham galing kay Norberto,

Kinamusta siya ni Aling Rosa at sinabi niyang napakahirap mamuhay sa Amerika, at hinahanap hanap parin niya ang pilipinas.





Kabanata 17:
Muling Pagbabalik

Sa palaro na ginanap sa kanilang nayon, nagkatagpo muli ang landas nina Osmundo at nakita rin niya ang anak nina Amelita at Mauro na si Lida, ngunit di niya nakita roon si Amelita.

Kinagabihan, hindi parin dinadalaw ng antok si Osmundo kaya inalok muna niya ng inuman si Cesar na anak ni Aling Tinay,

Sinabi niya kay Cesar na mahal parin niya hanggang ngayon si Amelita at pinayuhan naman siya na kalimutan nalang si Amelita dahil marami pa namang iba.






Kabanata 18:
Bagong Babala ng Panganib

Kinabukasan, nalaman nila Amelita na may nakakahawang sakit ang kanyang anak na si Lida, nagmagdali sila upang ipatawag si Doktora Cruz, ngunit ang sabi ni Doktora Cruz ay kinakaylangang madala agad ang bata sa Ospital sa Manila at kinakaylangan nilang hiramin ang sasakyan ni Osmundo,

Ayaw sana ng mag asawa, ngunit alang-alang kay lida ay ginawa nila.
Pumayag naman si Osmundo,
At siya pa nga ang kusang nagpatakbo ng sasakyan, aniya para narin naman daw silang magkakaibigan.



Kabanata 19:
Sa Bingit ng Kamatayan

Nang nasa Ospital na sila. Halos hindi makahinga ang mag-asawa sa pag-aalala sa kalagayan ng pinakamamahal nilang anak.
Patuloy parin ang pagtulong ni Osmundo sa mag asawa , ngunit ng dinalaw nila Mang Ambo at Aling Rosa si Lida sa kanyang kuwarto sa ospital, nilait na naman ni Aling Rosa ang pamilya nila Mauro,
Palibhasa daw kasi’y isang guro, na alipin ng buong nayon, kayat walang sinabi sa buhay, at di mabigyan ng magandang kuwarto ang anak, at buti na lamang ay pinagtanggol ni Mang Ambo ang anak at ang asawa nito.


Kabanata 20:
Kaibigan o Kaaway?

Sawakas ay naiuwi na nila si Lida sa kanilang bahay, magaling na ito at talaga namang hindi aakalaing kakagaling lang nito sa sakit, pinapayagan narin siyang makipaglaro sa labas ng kanilang bahay. Isang araw, hapon na ng dumating ang mag asawa galing sa pagtuturo, ngunit di pa umuuwi si Lida galing sa paglalaro, kaya naman binalot sila ng pangamba na baka kung ano ang nangyari sa kanilang anak. Hinanap nila si Lida ng masikap at ipinagtanong narin sa mga taga kanayon, sa wakas may nakapagbigay ng impormasyon,
Si Poleng na kanilang kanayon.





Kabanata 21:
Sa Dulo ng Landas

Ang sinabi ni Poleng ay namataan niya raw ang bata kasama ni Osmundo, lalong nag alala sila Amelita ng malaman ang balitang iyon,
Halos nga hindi na siya makakain sa kakaisip sa anak, ngunit ng nakita niya si lida na kasama si Bastian ang engkargado ni Osmundo. Ay humupa ang kanilang kaba, ang sabi ni Bastian hindi na raw maihahatid ni Osmundo si Lida dahil sa kapaguran galing sa kanilang pamamasyal ng bata kaya’t siya na lamang ang inutusan nito upang ihatid ang bata.




Kabanata 22:
Kung Ano ang Ipinunla

Sa bahay naman nila Mang Ambo,
Ay bigla–bigla nalang nahimatay si Aling Rosa na naging dahilan naman para mag alala sila Mang Ambo at ang pamilya nila Amelita.
Tinawagan narin nila ang mga kapatid ni Amelita sa ibat-ibang lugar dahil nalaman nila na may malubhang karamdaman ang matanda, ngunit hindi raw sila makakapunta at magpapadala nalamang ng pera, nalungkot si Aling Rosa dahil wala man lang naka alala at nag-aalaga sa kanya maliban sa bunsong Anak na si Amelita at ang pamilya nito na kanyang hinahamak hamak noon.

suring aklat...I

Titser
Liwayway A. Arceo



I.Pagsusuri sa akda:

Pagkilala sa may akda:

Nasa ika-57 taon ng propesyonal na pagsusulat si Liwayway A. Arceo. Malikhaing manunulat, mananaysay, tagasalinwika at editor. Una siyang nakatawag ng pansin sa kanyang akdang “Uhaw ang Tigang na Lupa,” na isinulat niya sa gulang na 17, at nahirang na pangalawang pinakamahusay na
Maikling katha ng 1943. Ilan sa marami niyang gawad at parangal ang Doctor of Humane Letters, honoris causa (1991), mula sa Unibersidad ng Pilipinas at ang Gawad CCP sa Sining Para sa Literatura.


Uri ng panitikan:

Nobela- Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng dalawa o higit pang mga tauhan .

Layunin ng May-akda:
Ang layunin ng may-akda ay maipabatid sa mambabasa na hindi lamang materyal na bagay o mamahaling bato ang kayamanan sa mundo, na maaring makapagpasaya sa isang tao. Kundi ang totoong pagmamahal, pag-agapay, pagtulong sa nangangailangan, paninindigan at maging ang mga taong nakapalibot at patuloy paring nagtitiwala at nagmamahal sa iyo, ay maituturing na isa ng tunay na kayamanan na higit pang mas mahal kaysa sa hiyas .
Mahal ito dahil hindi ito kailanman mabibili ng bilyun-bilyong salapi.
Nais din ng may-akda na ipakita na hindi mabuti sa isang tao ang manghamak ng propesyon, dahil ang lahat ng propesyon ay may kaakibat na paghihirap at pagtitiyaga , makamtan lamang ito.

Kung ating mapapansin, karamihan sa mga pangunahing tauhan ay babae, sa kadahilanang nais ng may-akda na ipakita ang paninindigan at matatag na pakikipaglaban sa pinaniniwalaan ng mga kababaihan.



Tema o paksa:

Ang tema o paksa ng nobelang pinamagatang “Titser” ay tungkol sa paninindigan at pagpapasiya, maging kung paano ito pinanghahawakan:panahon lamang ang hahatol sa atin, maging ano man ang ating larangan at ang pakikialam ng ina o ng magulang sa pag-aasawa at propesyon ng anak, pag-iibigan ng dalawang guro sa kabila ng kahirapan.


Estilo ng pagkakasulat:

Sa aking palagay ang estilo ng pagsusulat na siyang ginamit ng may akda ay isang malikhaing pagsusulat.
Hindi biro ang Malikhaing Pagsusulat, lalo na kung papasukin pa natin ang talakayan ng teknikalidad kung saan matututunan natin ang tungkol sa porma at kalamnan – dalawang elemento ng bawat kasulatang malikhain, mapa kuwento man o tula. Ang porma sa isang piyesa ng panulat malikhain ay siyang pinakaugat ng teknikalidad; dito ay pinapansin ang lahat mula sa pagkitil ng mga linya, o ang tinatawag na 'line cutting' hanggang sa paglagay ng mga tuldok, kudlit, at kung ano-ano pa man. Ang porma ng isang piyesa ay siyang basihan ng biswal na pananaw ng mambabasa, katulad ng mga kulay at hatak ng brutsa sa pagpipinta. Ang kalamnan naman ay kung sa Ingles, tinatawag na 'substance'. Dito pinapansin ang mga ginagamit na mga pangatwan ng wika. Dito mapapansin ang henyo ng isang manunulat sa pag-gamit ng mga ibat-ibang kasangkapang pampanitikan upang yumaman ang kanyang gawa.
Na puna ko rin na parehong pormal at di pormal ang mga salitang ginamit sa nobela, gumamit din ang may akda ng kaunting wika ng mga banyaga na ginawa namang italisado.


Pagsusuri sa mga tauhan at tagpuan:

Mga tauhan:

Aling Rosa- ina nila Norberto, Jose, Lourdes, Felisa at Amelita. Isang ordinaryong ilaw ng tahanan na na mataas ang pangarap para sa kanyang mga anak. Ngunit dahilan sa mga matatayog na pangarap na ito, ay magagawa niyang maging mapagmataas at manghamak ng propesyon.

Mang Ambo- isang tahimik at maunawaing haligi ng tahanan, isa rin siyang mabait na asawa kay aling rosa at ama sa kanilang mga anak.

Amelita - ang protagonista sa nobela, bunso sa limang magkakapatid, isang mabait at magandang guro sa pampublikong paaralan sa haiskul sa kanilang nayon, larawan siya ng isang babaeng may sariling pagpapasya at matapang na paninindigan.

Mauro- isang guro ng pampublikong paaralan sa haiskul sa kanilang nayon, ang lalaking iniibig ni amelita, may sariling paninidigan at pagpapasya, bagama’t hinahamak ang kanilang propesyon ay hindi parin ito nagsisisi sa napiling larangan, dahilan sa likas at tunay ang hilig nito sa pagtuturo.

Aling Idad- isang maunawain at maalalahaning ina nila Peping, Dado at Mauro, bagama’t anak-dalita ang kanilang pamilya, hindi parin ito naging hadlang upang sila ay sumaya.

Rosalida/ lida- panganay na anak nila mauro at amelita, isang pantas at bibong bata.

Lety- siya ang batang pinalaki sa layaw ng mga magulang at paboritong apo ni aling rosa. Kung ikukumpara kay Lida, maituturing na higit na nakakaangat si Lety sa material na bagay, subalit taglay naman ni Lida ang pinakamahalagang bagay na nagbubuklod sa kanilang pamilya.


Osmundo Olivarez- manliligaw ni Amelita, isang mayamang binata, taga pagmana ng lahat ng kayamanan ng kanilang pamilya, kompromiso ni Aling Rosa para sa kanyang anak na si Amelita, isang magandang lalaki at sikat sa kanilang bayan, ngunit siya ay arogante, makamundo at may kayabangan.

Norberto Martinez- kapatid nila Amelita na isang inhinyero.

Jose Martinez- dikong nila Amelita na isang abogado.

Lourdes Martinez- kapatid nila Amelita na isang parmasiyutika.

Felisa Martinez-Castro- ditseng nila Amelita na isang doktora.

Peping- kapatid ni mauro.

Dado- bunsong kapatid ni Enteng at Mauro.

Nena- kaibigan ni Amelita.

Enteng- dating nakakulong sa bilibid na tinulungan ni Osmundo na makalaya, inutusan siya ni Osmundo na patayin si Mauro, subalit hindi niya ito nagawa, dahil utang niya sa kabaitan ni Mauro ang pagpapa-aral sa anak.

Aling Tinay- matagal nang kusinera ni Osmundo, at itinuturing na din siyang pamilya ng mayamang binata.

Cesar- anak ni Aling Tinay, at pinag-aral ni Osmundo hanggang maging manananggol.


Mister Batac- isang punong guro na ang maybahay ay kamag-anak ni Osmundo.

Doktora cruz- isang mahusay na doktora sa kanilang nayon.

Bien castro - isang doktor na napangasawa ni Felisa.

Estela Martinez- isang abogada tulad ng kanyang kabiyak na si Jose.

Mariana Martinez- isang propesora at ang maybahay ni Norberto.

Poleng- kanayon nina Mauro at Amelita.

Bastian- engkargado ni Osmundo.



Tagpuan:

Isang hindi sibilisadong pamayanan sa kanayunan






II.Puna/rekomendasyon:

Napaka ganda ng nobelang pinamagatang “Titser” ni Liwayway A. Arceo,
Mahusay niyang naibigay ang mga aral at ang mga kahalagahan ng bawat isa,
Mababatid din na hindi lamang tungkol sa paninindigan, pagkakaisa at pagmamahalan ang makikita sa nobela, kung ating sisiyasatin ng maigi ang ating kaqlagayang sosyo-ikonomiko.